Lalaki at babae ang kasarian ng bagong panganak na kambal na Panda sa Ueno Zoo

Pina-plano ng Ueno Zoo na imbitahan ang publiko upang ipasa ang mga suhestiyon nitong mga pangalan para sa kambal.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ang giant panda cub na makikita sa larawan ay napag-alamang isang babae, ito ay kinuha nuong ika-6 ng Hulyo ng Tokyo Zoological Park Society.
Ang giant panda na napag-alaman naman na isang lalaki ang makikita sa larawan na kinuha nuong July 8 mula sa Tokyo Zoological Park Society.

TOKYO — inanunsiyo ni Tokyo Gorvernor Yuriko Koike nuong July 9 na isang lalaki at babae ang kambal na panda cubs mula sa giant panda na si Shin Shin ng Ueno Zoological Gardens sa Tokyo.

Si Shin Shin, 16 taong gulang ay isinilang ang kambal nuong ika-23 ng June sa Taito Ward Zoo. Ayon sa Ueno Zoo, ang lalaking cub ay may haba na 18 centimeter ay may bigat na 331 grams. Habang ang babaeng cub ay may haba rin na 18 centinmeter at may bigat na 319 grams.

Ang kambal ay nasa mabuting kondisyon, at ang mga black spot sa palibot ng kanilang mata at tenga ay unti-unti nang mas umiitim ang kulay. Habang ina-alagaan ni Shin Shin ang isa, ang isa naman ay ini-lalagay sa loob ng incubator. Salitan naman ang pag-aalaga ng giant panda na si Shin Shin sa kanyang kambal.

Pina-plano ng Ueno Zoo na imbitahan ang publiko upang ipasa ang mga suhestiyon nitong mga pangalan para sa kambal.

(Japanese original by Hitomi Saikawa, Tokyo City News Department)

Source and Image: The Mainichi

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund