Lalaking magnanakaw sa Starbucks sa Aichi, gumamit ng fire extinguisher bilang panangga

"Ibigay ninyo sa akin ang pera," sinabi nito sa isang 19 anyos na babaeng staff ng tindahan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaking magnanakaw sa Starbucks sa Aichi, gumamit ng fire extinguisher bilang panangga

AICHI (TR) – inaresto ng Aichi Prefectural Police ang isang 25 anyos na lalaki matapos nitong mag-tangkang nakawan ang isang outlet ng isang coffee chain na Starbucks sa Komaki City, mula sa ulat ng Fuji News Network (July 12).

Bandang alas-3:30 ng hapon, si Yasuhiro Okuno, isang temporary employee ay biglang pumasok sa isang tindahan sa Komaki Central Library habang may dalang fire extinguisher.

“Ibigay ninyo sa akin ang pera,” sinabi nito sa isang 19 anyos na babaeng staff ng tindahan.

Matapos tumawag ng pulis ang isa pang staff, nahuli ng mga pulis si Okuno sa nasabing tindahan. Wala namang nangyaring sakitan, ayun sa pulis.

Si Okuno ay naka-tira sa Komaki. Pinaniniwalaan ng pulis na nakuha ng suspek ang fire extinguisher mula sa ika-apat na palapag ng library.

Kasalukuyang ini-imbestigahan ng mga pulis ang motibo sa krimen.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund