Isang drayber sa Osaka ang nag hit and run sa isang postal worker matapos mag-inom sa isang club buong mag-damag

"Nag-inom ako sa isang hostess club buong magdamag," sinabi nito. "Nang naisip ko na huhulihin ako ng pulis, tumakas na ako,"

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

OSAKA (TR) – inaresto ng Osaka Prefectural Police ang 41 anyos na lalaki matapos na bumangga ang minamaneho nitong sasakyan at napatay ang isang postal employee sa Lungsod ng Osaka nitong weekend, mula sa ulat ng Nippon News Network (July 12).

Nuong Martes, ihinarap sa prosecutor si Jun Naoe, isang company employee dahil sa kasong suspicion of dangerous driving resulting in death or injury.

Ayon sa mga pulis, si Naoe ang nag-mamaneho nang sasakyan ng mabangga nito si Eiji Ishii, 51 anyos habang sakay ng scooter sa isang intersection sa Chuo Ward bandang alas-10:10 ng umaga nuong July 10.

Matapos makaladkad sa kalsada, humampas si Ishii sa isang pader. Agad na tumakas sa lugar ng insidente si Naoe. Kalaunan ay kinumpirma na pumanay na si Ishii sa ospital, ayon sa pulis.

Jun Naoe (Twitter)

Nuong gabi, natagpuan ng mga pulis si Naoe, na nakatira sa Sakai City. Isang pagsusuri sa hininga ang isina-gawa sa suspek at ito ay nag-resulta ng alcohol content na lumagpas sa standard value.

“Nag-inom ako sa isang hostess club buong magdamag,” sinabi nito. “Nang naisip ko na huhulihin ako ng pulis, tumakas na ako,”

Ang driver’s license ni Naoe ay na-revoke nuong nakaraang taon. Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga pulis, kabilang kung ito ay lasing habang nag-mamaneho nang nangyari ang insidente.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund