4 na staff ng Olympic Games mula sa U.S at U.K arestado, dahil sa pag-gamit umano ng cocaine

Hindi maliwanag kung papa-ano nahuli ang tatlo pang suspek, ang resulta ng pag-susuri na isina-gawa sa kanilang mga ihi ay nag-positibo sa pag-gamit ng cocaine.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp4 na staff ng Olympic Games mula sa U.S at U.K arestado, dahil sa pag-gamit umano ng cocaine

TOKYO (TR) – apat na staff member ng Olympic Games mula sa U.S. at U.K. ang naakusahang gumamit ng cocaine, ani ng pulis, mula sa ulat ng Sankei Shimbun (July 13).

Ayon sa Azabu Police Station, apat na lalaking suspek kabilang ang amerikanong si Dalton Ray Bouquet (22), isang Englishman na si John Benjamin Lockwood (46) ang gumamit umano ng illegal drug snitong buwan.

Matapos silang ma-aresto sa pag-labag sa Narcotics ang Psychotropics Control Act sa pagitan ng July 3 at July 4, mariin na pinabulaanan nang apat na suspek ang mga ipinararatang sa kanila.

Bandang alas-8:00 ng gabi nuon July 2, ang apat na suspek ay nag-inuman sa isang bar sa Roppongi entertainment district.

Sa isang punto matapos nito, si Bouquet ay pumasok sa isang malapit na residente sa lugar. Agad na hinuli ang lalaki nang mga pulis na rumisponde sa insidente.

Hindi maliwanag kung papa-ano nahuli ang tatlo pang suspek, ang resulta ng pag-susuri na isina-gawa sa kanilang mga ihi ay nag-positibo sa pag-gamit ng cocaine, ulat ng NHK (July 13).

Ang lahat na apat na suspek ay kasalukuyang naninirahan sa sisang accomodation facility sa Minato Ward. Sila ay dumating sa Japan sa pagitan ng mga buwan ng Pebrero hanggang Mayo upang mag-trabaho sa isang foreign company na nag-sasagawa ng isang maintenance sa electrical systems para sa Olympic venues.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund