Inanunsiyo ng National Tax Agency nitong Martes na pito sa kanilang mga staff members mula sa kanilang taxation department ay lumabas at nag-inuman sa isang izakaya bar ay nahawaan ng novel coronavirus.
Ayon sa ahensya, ang 14 sa kanilang empleyado na nasa kanilang 20’s hanggang 40’s mula sa ahensya ay mga regional taxation bureaus ay sumama sa limang outings sa isang izakaya bars sa Tokyo mula June 6 hanggang June 9 dahil sa mga farewell parties at iba pang okasyon.
Ang bawat pag-labas ay kinabibilangan ng talo hanggang apat na katao na nag-inuman nang mahigit 2 1/2 oras sa pagitan ng alas-7:00 ng gabi hanggang bandang alas-10:30 ng gabi. Isa member na sumama rito ay nagkaroon ng lagnat nuong Sabado at kinumpirmang nahawa ng impeksyon.
Ang nasabing pag-labas ay naganap habang naka-baba ang emergency-level priority measure na ipinataw sa lungsod bilang hakbang pang maiwasan ang pag-kalat coronavirus. Binilinan na ng ahensya ang kanilang mga staff na limitahan ang kanilang pag-iinom ng 90 minutes lamang at dapat isa o dalawa lamang ang kasama, ito ay alinsunod sa hiling ng pamahalaan ng Tokyo metropolitan. Ngunit ang kautusan ay hindi nasunod, na siyang “ikinalulungkot” ng ahensya.
Ang ahensya ay kasalukuyang nasangkot at pinupuna matapos mag labas ng isang statement nuong Huwebes kabilang sa Cabinet Secretariat na kinaka-usap ang industry group na itigil ang pakikipag-negosyo sa mga restaurants na nagsi-serve ng serbesa dahil sa pag-suway nito sa kautusan ng pamahalaan.
Source: The Japan News
Image: Yomiuri Shimbun
Join the Conversation