Plano ng health ministry na aprubahan ang experimental antibody cocktail therapy na naging bantog dahil sa ito ay ginamit upang gamutin ang dating pangulo ng Estados Unidos na si Donald Trump nang ito ay nagkaroon ng COVID-19 nuong 2020 upang gamitin sa Japan.
Ang U.S. biotechnology company na Regeneron Pharmaceutical Inc. ang siyang gumawa ng nasabing gamot, na siya namang inaprubahan na gamiting pang-emergency sa United States nuong nakaraang taon.
Ang mga pasyente na mayroong COVID-19 na may mataas na peligro na lumala ang sintomas na hindi na-ospital ay bumaba ang tiyansang mamatay o ma-ospital ng 70 porsyento matapos gumamit nang nasabing gamot, ayon sa mga isinagawang clinical tests sa ibang bansa.
Ang Chugai Pharmaceutical Co., na siyang naka-talaga sa domestic sales ng gamot ay nag-apply para sa special approval nang pag-gamit nito sa Japan nuong buwan ng Hunyo.
Pina-plano na rin ng ministeryo ang usapin sa pagma-manufacture at pag-benta ng gamot sa isang pag-pupulong upang ma-finalized na ang pag-aapruba sa pag-gamit nito sa unang bahagi ng Hulyo.
Inaasahan na ang gamot ay maa-aprubahan bilang pang-apat na remedy upang gamutin ang COVID-19 patients sa Japan.
Ang intravenous drug, na pinag-samang casirivimab at imdevimab, na dalawa sa nag nu-neutralize ng antibodies sa virus, ang pinaka-unang available treatment para sa COVID-19 sa Japan na tuma-target sa mga pasyenteng mayroong mild o moderate conditions.
Nagsa-gawa ang Chugai Pharmaceutical ng domestic clinical tests mula nuong buwan ng Marso sa nasabing gamot at sinigurado ang koneksyon sa pamahalaan ang kanilang pag-susupply nito para sa taong 2021.
Tatlong gamot ang inaprubahan na upang gamutin ang COVID-19 patients sa Japan: Remdesivir, Dexamethasone at Baricitinib. Tina-target nito ang mga pasyenteng mayroong moderate o malubhang kondisyon.
Source and Image: Asahi News
Join the Conversation