Ghanian national, inaalusahan ng pang-gagahasa sa Junior high school na babae sa Osaka

"Ako ay nag-papanggap na isang banyaga na hirap o hindi marunong mag-salita ng hapon," sinabi nito sa mga pulis. "Ito ay nag-bibigay daan upang masiguro na ako ay tatratuhin nila ng maayos."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

OSAKA (TR) –  inaresto ng Osaka Prefectural Police ang isang Ghanian national, 32 anyos, dahil sa pang-gagahasa unamo ng isang middle school na babae nitong unang bahagi ng taon, ayon sa ulat ng NHK (July 13).

Nitong katapusan ng Abril, si Joseph Belph, isang part-time employee ay pinag-samantalahan umano ang isang babae sa isang park sa lungsod.

Ang babae ay nag-tamo ng unspecified injuries na nangangailangan ng 1 linggong pagpapa-galing, ayon sa mga pulis.

Si Belph na naninirahan sa Ikuno Ward ng Osaka City, ay nahatulan na dahil sa suspisyon na pamimilit na makipag-talik. Habang tinatanong, hindi na niya maalala ang mga pangyayari sa insidente.

“Hindi na kaya natugunan ang aking pagnanasa ng mga sex business at porn videos, kaya dun lumabas ang stress, ” ani ni Belph sa mga pulis.

Ang nasabing kaso ni Belph ay hindi lamang isa. Siya rin ay nakasuhan sa pang-hahalay umano sa isang babae na nasa kanyang 20’s sa isang sa prepektura nuong Hunyo nuong nakaraang taon.

Police Siren

“Mag-panggap na isang banyaga na hindi marunong mag-salita ng hapon.”

Nuong nakaraang insidente, ang nasasakdal ay nag-panggap na naliligaw ng tinawag niya ang babae. Matapos nito, ang miyembro ng pamilya nang babae ay tumawag na sa pulis.

Ang suspek ay naging person of interest matapos suriin ng mga pulis ang security camera footage at pakinggan ang testimonya ng mga witnesses.

Ayon sa pulis, gumamit si Belph ng isang bisikleta upang lumibot sa mga park at shrines habang nag-hahanap ng mga babae. Matapos makita ang isang potensyal na biktima, mag-sisimula na siyang mag-salita ng mix English at konting Japanese.

“Ako ay nag-papanggap na isang banyaga na hirap o hindi marunong mag-salita ng hapon,” sinabi nito sa mga pulis. “Ito ay nag-bibigay daan upang masiguro na ako ay tatratuhin nila ng maayos.”

Matapos mag-alok nang pera sa mga biktima kapalit nang pakikipag-talik, ito ay pipilitin o pag-sasamantalahan niya kapag umayaw.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund