Nararamdaman na ng iba’t-ibang sektor sa Japan ang epekto ng kakulangan ng semiconductor sa buong mundo. Kabilang na ang mga malalaking pagawaan ng mga sasakyan, maging ang mga home appliance ay nawawalan na ng mga mamimili.
Ilang mga kumpanya ng pagawaan ng mga sasakyan ang napilitang mag-bawas ng kanilang mga operasyon sanhi ng kakulangan ng piyesa. Ipinahayag ng Toyota Motor dealerships na kinakailangan na mag antay ng mahigit 5 hanggang 6 na buwan ng mga kostumer bago maka-kuha ng papular na modelo ng Yaris Cross.
Sa isang car accessory store sa Tokyo, walang stock ng mga car navigation at audio system sa kanilang tindahan at hindi nila alam kung kailan ulit magkakaroon nito.
Samantalang, marami rin na home appliance retailers ang nagkakaroon ng kakulangan sa mga washing machine at mga telepono.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation