Pinay, nasagasaan ng kei car habang nagbi-bisikleta sa isang kalsada sa Toyota

Isang kababayan natin na ginang ang  nasa kritikal na kundisyon ngayon matapos masagasaan noong June 12 ng isang kei na sasakyan habang siya ay nagbibisikleta at papatawid sana sa isang kalsada sa Toyota City. #PortalJapan See more⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPinay, nasagasaan ng kei car habang nagbi-bisikleta sa isang kalsada sa Toyota

Isang kababayan natin na ginang ang  nasa kritikal na kundisyon ngayon matapos masagasaan noong June 12 ng isang kei na sasakyan habang siya ay nagbibisikleta at papatawid sana sa isang kalsada sa Toyota City.

Naganap ang aksidente noong alas-9 ng umaga noong ika-12 ng Hunyo. Ang bisikleta na minamaneho ni Odessa Kakita, 40 taong gulang na Philippine  national ay papatawid sa isang kalsada nang mabangga ng kei car sa lungsod sa Obayashi-cho, Toyota City, Aichi Prefecture.

Ang biktima ay nakatira malapit sa pinangyarihan  ng aksidente. Agad siyang isinugod sa ospital at nakaligtas ngunit wala pa din siyang malay hanggang ngayon.

Ang driver ng kei na sasakyan ay isang 18 taong gulang na lalaki at walang natamong sugat sa insidente. Hindi pinangalanan ang nakabangga dahil isa a itong minor ayon sa batas ng Japan.

Inaalam pa din ng pulisya ang sanhi ng aksidente.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund