
HYOGO- inaresto ng mga awtoridad ng Himeji sa Prepektura ng Hyogo ang isang 15 anyos na lalaki sa kasong attempted murder matapos nitong saksakin ang isang kamag-aral sa gamit ang isang kutsilyo sa isang public high school.
Ayon sa mga pulis, ang insidente ay naganap bandang alas-4:00 ng hapon nuong Martes sa loob ng silid-aralan ng suspek at ng biktima, mula sa ulat ng Sankei Shimbun. Sinabi ng mga pulis ba ang lalaki ay gumamit ng isang fruit knife na may 10 sentimetro ang haba ipang saksakin sa mukha at leeg ang 15 anyos na kamag-aral.
Ang suspek ay tumakas sa lugar ng insidente dala ang patalim. Mahigit 90 minutos ang nakalipas, natagpuan ito ng mga pulis sa mahigit 800 metro ang layo mula sa paaralan. Ang biktima ay agad namang dinala sa pagamutan kung saan inihayag ng mga doktor na ang tinamong sugat ay malubha ngunit hindi naman nakamamatay.
Ayon sa mga pulis na sinabi ng batang suspek na intensyon nitong patayin ang biktima ngunit hindi naman nag-bigay nang rason kung bakit.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation