AICHI (TR)- Nang ma-aresto ang 54 anyos na si Kazuhiro Nagai, sinabi nito na gusto niya lamang na may “maka-usap.” Subalit ang nasabing ka-gustuhan ay naging sobra.
Nuong ika-8 ng Mayo, sinabi ng mga pulis na tumawag sa kanila nang mahigit 3,875 si Nagai sa loob ng 12 buwan na nag-tapos nitong Marso.
“Hindi ako tumawag sa mga pulis upang mang-istorbo sa kanilang mga gawain,” ani ni Nagai. “Nais ko lamang na kausapin ako ng mga pulis.”
Sa isang araw, si Nagai na isang empleyado ng isang kumpanya na naninirahan sa Toyohashi City ay tumatawag sa nasabing numero nang 254 na beses.
“Walang maayos na pulis na suma-sagot sa 110,” sinabi nito sa isa sa mga tawag nito. “Nakapang-hihinayang.”
“May ipis!”
Ang numerong 110 ay gina-gamit nang mga mamamayan upang i-report ang mga importanteng bagay, tulad nang aksidente o insidente. Subalit, paminsan-minsan ginagamit ito nang mga mamamayan sa mga kakaibang bagay.
“May ipis!” sabi ng isang tumawag. ang isa naman ay nag-sabi na “Mayroon akong temperatura na 38 degrees Celcius.”
Isang representative mula sa communications division ng Aichi Prefectural Police ang nag-request sa mga mamamayan na tawagan ang numerong 9110 para hindi masyadong importanteng bagay.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation