HYOGO (TR) – isang labi nang lalaki ang natagpuan sa loob nang isang sasakyan sa Kita Ward ng Kobe City nang dahil sa kakulangan ng hangin, pahayag ng mga pulis, ayon sa ulat ng NHK (May 7).
Nuong ika-5 ng Mayo, ang mga pulis na rumisponde sa isang report ay natagpuan ang katawan ni Hiroshi Morishita 62 anyos sa loob ng compartment ng isang sasakyan na nakataob sa isang palayan.
Ang mga kamay at paa ni Morishita ay naka-tali at ang bibig ay may tape. Malakas ang paniniwala ng mga pulis na ang lalaki ay pinatay.
Ipinahayag ng mga pulis dalawang araw ang naka-lipas ang resulta ng awtopsiya na ginawa sa biktima, lumabas na ito ay namatay dahil sa kakulangan ng hangin.

Si Morishita ay isang manager ng isang convenience store sa Kobe. Ang driver ng sasakyan ay isang part-time employee sa nasabing tindahan.
Inaresto nang mga pulis ang hindi pinangalanang 27 anyos na lalaki sa suspisyon ng pag-iwan sa isang bangkay. Ang suspek ay iniharap sa prosekyutor nuong May 7.
Sa kadahilanang may sakit sa pag-iisip ang suspek, pinag-aaralan ngayon ng mga pulis kung siya ay maaaring masampahan ng kaso.
“Nang marinig ko ang balita tungkol sa kamatayan ng aking ama sanhi ng isang insidente, ako ay nabigla,” pahayag ng anak ni Morishita sa pamamagitan ng kanyang lawyer. “Wala akong ideya kung bakit siya naharap sa ganitong sitwasyon.”
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation