Kasalukuyang huma-harap sa krisis ang medical care system ng southwestern prefecture ng Japan, Okinawa sanhi ng kasalukuyang pag-kalat ng coronavirus infections.
Ang Okinawa ay kabilang sa 10 prepektura na kasalukuyang napa-iilalim sa coronavirus state of emergency. Nag-kumpirma ng 271 na bagong kaso ng coronavirus sa Okinawa nuong Linggo, ang pinaka-apat na mataas na bilang sa prepektura.
Hanggang noong Huwebes, ang lahat ng mga indeks upang masuri ang kasalukuyang sitwasyon ng prefecture ay nasa Stage 4, ang pinakamataas ng apat na antas na sistema ng alerto.
Halimbawa, ang mga kama sa ospital para sa pasyente ng coronavirus ay halos 88 porsyento nang okupado, at kabilang dito ang mga kama na okupado na ng mga pasyenteng may malubhang kaso.
Ayon sa prefectural doctor’s association, halos 70 porsyento ng mga bagong impeksyon sa Okinawa ay mga taong nag-eedad sa kanilang mga 40’s o mas bata.
Nananawagan ang asosasyon sa mga residente, lalo na sa mga kabataan na sundin at magsa-gawa ng mga habang laban sa impeksyon, katulad nang pananatili sa bahay pag-sapit ng alas-8:00 ng gabi.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation