Ang mga maaaring magpa-bakuna sa mga vaccination sites, maaaring dumami

Ang pina-lawak na listahan ng mga eligible na mga tao para sa Tokyo venue ay mapapa-aga ng isang linggo kumpara sa naka-talaga nitong schedule dahil nagkaroon ng surplus reservation slot upang ma-doble ang naunang naitalang pigura.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAng mga maaaring magpa-bakuna sa mga vaccination sites, maaaring dumami

Mas marami pang mga tao ang magiging eligible para sa coronavirus vaccination sa mga state-run, large-scale inoculation venues sa Tokyo at Osaka, simula sa Lunes. Ang arawang slots para sa pag-babakuna sa sites ay madaragdagan rin.

Binuksan ng central government ang dalawang venues nuong ika-24 ng Mayo upang maka-tulong sa pag-dagdag ng mga bakuna para sa mga naka-tatanda.

Linimitahan ng mga opisyales sa Tokyo venue ang pag-babakuna para sa mga taong nag-eedad ng 65 pa taas lamang na naninirahan sa 23 ward ng kapitolyo. Gayun din para sa mga residente ng Lungsod ng Osaka na siyang napapa-bilang sa age-bracket na mabakunahan sa Osaka Site.

Ngunit mula sa Lunes, ang eligibility para sa Tokyo venue ay isasama ang mga ilang elderly citizen na naninirahan sa anumang parte ng kapitolyo at mga karatig na prepketura ng Saitama, Chiba at Kanagawa. Samantalang ang eligibility naman sa Osaka site ay para muna sa mga naninirahan sa prepektura ng Osaka.

Ang pina-lawak na listahan ng mga eligible na mga tao para sa Tokyo venue ay mapapa-aga ng isang linggo kumpara sa naka-talaga nitong schedule dahil nagkaroon ng surplus reservation slot upang ma-doble ang naunang naitalang pigura.

Ang arawang kapasidad ng pag-babakuna ay tataas ng 10,000 shots sa Tokyo venue at 5,000 shots naman para sa Osaka site mula Lunes. Ang pigura ay mula sa upper limits na isi-net ng Defense Ministry.

Binubuo ng mga doktor at nurses ang mga venues mula sa Self-Defense Forces sa tulong rin ng mga medical workers mula sa mga pribadong sektor.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund