Sanggol sa Japan na nag-positibo sa COVID, malaki ang posibilidad na nahawa mula sa ina

Idinagdag rin ng Propesor na hindi dapat mangamba ang mga babaeng nagdadalang tao, ngunit sila ay dapat palagi silang magkaroon ng sapat na anti-virus precautions. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspSanggol sa Japan na nag-positibo sa COVID, malaki ang posibilidad na nahawa mula sa ina

 

Isang grupo ng mga mananaliksik ay nag-sabi na isang bagong panganak na sanggol ay pinaniniwalaang nakuha ang coronavirus mula sa kanyang ina.

Nagsa-gawa ng survey ang mga miyembro ng Japan Pediatric Society sa 1,124 na medical facilities na mayroong pediatric wards sa buong bansa.

Ito ay nagpa-kita na nuong katapusan ng Agosto, mayroong kabuoang 52 na bagong silang na mga bata sa 31 pasilidad na ang mga ina ay mayroong COVID-19.

Isa sa mga bagong panganak na sanggol ay nag-positibo sa coronavirus, ngunit sinabi rin dito na ang sanggol ay walang problema sa kayang kalusugan.

Nagpahayag rin ang grupo na mayroong mga ulat mula sa ibang bansa na pinaghihinalaang nai-pasa ng ina sa anak ang coronavirus.

Ang namumuno sa grupo na si Professor Morioka Ichiro ng Nihon University School of Medicine, ang posibilidad na mai-pasa ng ina sa anak ang virus ay mababa at ang mga nahawaang sanggol ay maaaring mag-develop ng light symptoms. Idinagdag rin ng Propesor na hindi dapat mangamba ang mga babaeng nagdadalang tao, ngunit sila ay dapat palagi silang magkaroon ng sapat na anti-virus precautions.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
TAX refund
WU
Flat
TAX refund
Car Match
Super Nihongo
brastel
PNB
Car Match