220 Chinese ship nakitang pumasok sa EEZ ng Pilipinas

Sinabi ng mga opisyal ng gobyerno na maaaring ipina-dala ng Beijing sa Pilipinas ang mga barko upang makita nila kung anong pag-tugon ang gagawin ng bansa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp220 Chinese ship nakitang pumasok sa EEZ ng Pilipinas

 

Sinabi ng Pilipinas na mahigit 200 na Chinese fishing vessels ay nag-tipon tipon sa isang coral reef sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa sa South China Sea.

Nagpahayag ng statement ang pamahalaan nitong Sabado na namataan umano ng coast guard ang mahigit 220 Chinese vessels na dumaong sa reef nuong ika-7 ng Marso at ito ay pinaniniwalaang “tinata-uhan ng mga Chinese Maritime Militia Personnel.”

Sinabi rin nito na maganda ang panahon nuong araw na ito, ngunit ang mga nasabing Chinese vessels “ang mga barkong nasa reef ay hindi nagpapa-kita ng aktuwal na aktibidad ng pangingisda at naka-bukas ang kanilang puting ilaw pag-sapit ng dilim.”

Ang mga litratong kinuha ng mga coast guards ay nagpapa-kita ng mga barkong naka-daong at naka-linya na parang may sakay na mukhang mga cranes.

Ang reef ay mahigit 300 kilometro sa kanluran ng Palawan Island.

Ang bansang Pilipinas at Tsina ay nasangkot sa sovereignity dispute o awayan sa pag-sasakop sa ilang parte ng South China Sea.

Sinabi ng isang US tanks na nagsasa-gawa ng pagpa-patrol ang Chinese coast guard malapit sa nasabing reef sa loob ng 287 na araw na mula pa nuong Disyembre taong 2019.

Umalma at nag-protesta ang Manila matapos mag-pasa ng batas ang Tsina na maaaring mag-dala ng armas ang mga coast guard nito nuong Enero.

Sinabi ng mga opisyal ng gobyerno na maaaring ipina-dala ng Beijing sa Pilipinas ang mga barko upang makita nila kung anong pag-tugon ang gagawin ng bansa.

 

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund