Isang ginang at anak nitong lalaki arestado, dahil sa pag-paslang sa kanyang asawa

Sinabi ni Kei na tinakot umano siya ni Masaki gamit ang isang kutsilyo matapos ang isang pag-tatalo nang biglang bumaba si Shiyu. Sinabi niya na sinubukan nilang pigilan ang lalaki sa pamamagitan ng pag-lagay ng supot sa ulo nito.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

Ayon sa mga pulis, pinatay ni Kei Kanbe at ng anak nitong si Shiyu ang asawa ni Kei na si Masaki sa pamamagitan ng pag-lagay ng supot sa ulo ng biktima bandang alas-9:50 ng gabi nuong Biyernes, mula sa ulat ng Sankei News. Tumawag sa 119 ang ginang at sinabing hindi humihinga ang kanyang asawa.

Natagpuang walang malay si Kanbe sa living room sa unang palapag ng kanilang tahanan sa Nakagawa Ward. Ito ay agad na dinala sa ospital kung saan idineklara na ito ay namatay dahil sa suffocation. Agad na ipinag-bigay alam ng ospital sa mga pulis ang kahina-hinalang pagka-matay ng lalaki.

Sinabi ng mga pulis na umamin sa mga alegasyon laban sa kanya si Kei, habang inamin rin ng anak nito ang ilang pagkaka-sala, at nag-sasabi na wala silang intensyon na patayin ang lalaki. Sinabi ni Kei na tinakot umano siya ni Masaki gamit ang isang kutsilyo matapos ang isang pag-tatalo nang biglang bumaba si Shiyu. Sinabi niya na sinubukan nilang pigilan ang lalaki sa pamamagitan ng pag-lagay ng supot sa ulo nito.

Sinabi ng mga pulis na si Kei ay nag-tamo ng sugat mula sa kutsilyo sa dalawang braso nuong nangyari ang insidente.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund