TOKYO- Hinimok ng mga gobernador ng Japan ang pamahalaang sentral noong Sabado na agarang ipakita ang plano ng coronavirus vaccine rollout dahil kaunting impormasyon lamang ang naibigay sa kung gaano karaming mga bakuna ang magiging available at kung kailan madi-deliverang mga ito.
Habang ang National Government’s Association ay nangangako na doblehin ang pagsisikap na kontrolin ang pandemya, hiniling ng mga kalahok na prefectural chiefs ang gobyerno na magbigay ng impormasyon tungkol sa mga paghahanda nito sa mabilis na paraan upang suportahan ang mga munisipalidad sa paggawa ng detalyadong mga plano sa pagbabakuna.
Nagpasiya ang asosasyon na bumuo ng isang grupo ng mga liaison officilas upang mapabuti ang komunikasyon sa Health Ministry tungkol sa inokulasyon, na inaasahang magsisimula sa mga health workers sa kalagitnaang bahagi ng Pebrero.
Maraming mga lokal na pamahalaan ang nabigo sa kakulangan ng impormasyon mula sa pamahalaang sentral tungkol sa delivery ng bakuna, kung kaya’t nahihirapan silang gumawa ng mga plano para sa mga site ng mga magiging tauhan at vaccination sites, ayon sa kamakailan-lamang na survey sa buong bansa ng Kyodo News.
“Hindi namin masecure ang mga vaccination sites at mga doktor kung hindi namin alam kung kelan eksakto namin sila kailan at kung gaano katagal natin sila kakailanganin,” sinabi ng isang opisyal ng pamahalaang lungsod ng Sapporo.
Sinabi pa ng isang alkalde sa Tokyo metropolitan area na, “Para kaming minamadali upang gumawa ng mga paghahanda gamit ang mga kamay na nakatali.”
Sinabi ng Ministry of Health, Labor and Welfare noong huling bahagi ng Enero na ang mga pagbabakuna para sa mga may edad na 65 pataas ay magsisimula sa huling bahagi ng Marso, ngunit si Taro Kono, ministro ng repormang administratibo na nangangasiwa sa programa ng pagbabakuna, ay nagsabi makalipas ang ilang araw hindi sila magsisimula bago ang Abril.
Maraming mga gobernador ay nanawagan din para sa karagdagang suporta sa pananalapi para sa mga kainan na tinamaan at naapektuhan sa panahon ng pandemya, hindi alintana kung ang pasilidad ay matatagpuan sa mga prepekturang sa ilalim ng state of emergency, pati na rin para sa mga industriya ng transportasyon at turismo na napinsala.
Ang Punong Ministro na si Yoshihide Suga ay nagdeklara ng pangalawang State of Emergency sa kabuuang bilang ng mga prepektura noong unang bahagi ng Enero hanggang Pebrero 7 kasunod ng mabilis na pagdagsa ng mga impeksyon. Ang panukala ay inextend hanggang Marso 7, dahil ang mga ospital ay mananatiling under pressure sa kabila ng pagbagsak ng mga kaso ng virus.
Sa ilalim ng State of Emergency, hinihimok ang mga tao na iwasan ang mga hindi kinakailangang paglabas, habang ang mga restawran at bar ay hinihiling na magsara nang mas maaga.
Sa Tokyo noong Sabado, 21 katao ang may coronavirus ang namatay, sinabi ng pamahalaang lungsod na nagtala ito ng bilang ng mga namatay sa COVID-19 sa kabisera sa 1,017.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation