LALAKI, NILUOBAN ANG ISANG CONVENIENCE STORE NA NASA KANYANG APARTMENT BLDG.

Nang siya ay naaresto dahil sa salang pagnanakaw, sinabi ni Ito, "Sa ngayon, wala akong masasabi."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO – Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang 36 taon gulang na lalaki dahil sa pagnanakaw umano sa isang tindahan sa unang palapag ng kanyang sariling gusali sa Minato Ward, iniulat ng TBS News (Pebrero 5).

Noong nakaraang Disyembre, si Masanori Ito, ay humugot ng kutsilyo sa harap ng dalawang babaeng clerks ng isang outlet ng Community Store sa lugar ng Shibaura.

Masanori Ito (Twitter)

Pagkatapos makulimbat ang halos ¥62,000 na cash,agad itong tumakas, ayon sa mga pulis.

Nang siya ay naaresto dahil sa salang pagnanakaw, sinabi ni Ito, “Sa ngayon, wala akong masasabi.”

Nakatira si Ito sa ikaapat na palapag ng gusali. Sa footage ng security camera, 10 minuto bago ang insidente, nakita siyang naglalakad sa paligid ng gusali.

Sa pagsisiyasat sa tirahan ni Ito, nakuha ng mga awtoridad ang damit at sapatos na pinaniniwalaang suot niya nang isinagawa ang krimen.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund