BABAE, ARESTADO SA PAGKA-MATAY NG KANYANG DALAWANG ANAK NA LALAKI

Tumawag si Wakita ng 110 bandang 3:50 Linggo ng hapon at sinabing napatay niya ang kanyang mga anak.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

OKINAWA- Ang kapulisan sa Miyakojima, Prepektura ng Okinawa ay inaresto ang isang 39 taong gulang na babae na pinaghihinalaang pumatay sa kanyang dalawang anak na lalaki, 5 at 3, sa loob ng kanilang tinutuluyang apartment na Ground Self-Defense Force na malapit sa base noong Linggo.

Ayon sa mga awtoridad si Akiko Wakita, na nagtatrabaho bilang isang tagapag-alaga, ay umamin sa pagkakasala, iniulat ng Fuji TV. Tumawag si Wakita ng 110 bandang 3:50 Linggo ng hapon at sinabing napatay niya ang kanyang mga anak.

Agad rumisponde ang kapulisan sa lugar na pinangyarihan, kung saan natagpuan ang dalawang bata na sina Haruya at ang kanyang nakababatang kapatid na si Ryohei sa estado ng cardiopulmonary arrest. Nadala nila ang magkapatid sa ospital kung saan sila ay tuluyang binawian ng buhay.

Ang asawa ni Wakita, na nagtatrabaho sa base, ay wala sa lugar nung mga oras na iyon. Sinabi ng mga opisyal,na hindi kinakitaan si Wakita ng kahit anong motibo sa krimen.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund