
NEW YORK (Kyodo) – Ang mga kontrobersyal na komento tungkol sa mga kababaihan ng pinuno ng Tokyo Olympic organizing committee noong Miyerkules ay nagbunsod ng samu’t saring reaksiyon sa social media, na may ilang hinahamon siyang mag-bitiw , iniulat ng The New York Times.
Si Yoshiro Mori, ay nagmungkahi ng isang online meeting para sa Japanese Olympic Committee at nagsabing masyadong madaldal ang mga babae kapag nasa meeting, ay nagsimula ng backlash sa social media, at sa Twitter ang mga netizens ay nagsisimula nang ibash si Mori upang magbitiw sa tungkulin,” ulat ng U.S. Daily sa kanilang online edition.
Ang iba naman ay binatikos sa social media ang edad ng dating punong ministro ng Japan, at ang kanyang sinaunang pag-uugali, ang sinasabing totoong problema, idinagdag pa ng mga ito.
Sa pagsasalita sa isang di-pangkaraniwang pagpu-pulong ng mga konsehal ng JOC, binanggit ng 83 taong gulang ang kanyang karanasan bilang dating pangulo ng Japan Rugby Football Union, na sinasabing, “Ang kababaihan ay mayroong matinding sense of rivalry. Kung ang isang (babaeng) miyembro ay magtataas ng kanyang kamay sa upang makapagsalita ang lahat ay kakailanganin ding magsalita. Ang bawat isa ay magpapahayag ng saloobin upang mayroon lang masabi.”
Ang JOC ay nagtakda ng layuning dagdagan ang bilang ng mga kababaihan na board of directors nito sa 40 porsyento. Ang mga kababaihan sa kasalukuyan ay binubuo lamang ng 20 porsyento ng lupon.
” May nakapagsabi sa akin na isang tao na kung taasan natin ang bilang ng mga kababaihan (sa board), kakailanganin din nating higpitan ang kanilang oras sa pagsasalita. Kung hindi, hindi sila titigil, at iyon ay magiging problema,” sabi ni Mori.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation