LALAKI, 52, NASAKOTE SA PANANAKIT SA MAY KAPANSANANG INA

"Pagod na ako sa pag-aalaga sa kanya at naging emosyonal ako."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO – Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang 52 taong gulang na lalaki sa salang assault sa kanyang ina na may kapansanan, na kalaunan ay pumanaw, ulat ng TV Asahi (Pebrero 3).

Megumi Inaba (Twitter)

Bandang katapusan nitong Enero, sinuntok umano ni Megumi Inaba sa mukha ng kanyang ina, na si Teru,83, sa kanilang tirahan sa Katsushika Ward.

Si Teru ay natagpuang patay noong Martes, ayon sa mga imbestigador ng Kameari Police Station.

“Noong sinubukan kong palitan ang kanyang diaper, nainis ako kasi pumipiglas siya. Dahil sa stress, nasaktan ko siya ng apat o limang beses, ”sinabi ng suspek sa mga pulis. “Pagod na ako sa pag-aalaga sa kanya at naging emosyonal ako.”

Mga 10 taon na nang mag-bitiw si Inaba sa kanyang trabaho upang alagaan ang pareho niyang magulang. Sa ilang mga punto, nagsimula si Teru makaranas ng cognitive impairment kaya ito bedridden. Ang kanyang ama naman ay pumanaw ilang taon na rin ang nakalilipas.

Plano ng kapulisan na gamitin ang resulta ng awtopsiya na naka-iskedyul sa Huwebes upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ni Teru.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund