UNITED KINGDOM AT JAPAN, PAPALAKASIN ANG UGNAYAN PANG SEGURIDAD

Sinabi ni Motegi na ang dalawang bansa ay may parehong pagpapahalaga sa basic values at principles. Sinabi niya na mas mahalaga ang bilateral cooperation upang mapalakas ang isang rules-based at bukas na international border.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspUNITED KINGDOM AT JAPAN, PAPALAKASIN ANG UGNAYAN PANG SEGURIDAD

Sumang-ayon ang Japan at Britanya na palakasin at pagitingin ang kooperasyon sa isang malaya at bukas na Indo-Pacific kasama ang dumaraming mga maritime activities ng China.

Ang Foreign Minister ng Japan na si Motegi Toshimitsu at Minister of Defense na si Kishi Nobuo ay nakipag-pulong sa isang online meeting kasama ang kanilang British counterparts na sina Dominic Raab at Ben Wallace noong Miyerkules ng halos dalawang oras. Ito ang pang-apat na tinaguriang “two-plus-two meeting” sa pagitan ng dalawang bansa.

Sinabi ni Motegi na ang dalawang bansa ay may parehong pagpapahalaga sa basic values at principles. Sinabi niya na mas mahalaga ang bilateral cooperation upang mapalakas ang isang rules-based at bukas na international border.

Nagpahayag ng pag-aalala si Kishi sa bagong batas ng China na nagpapahintulot sa Coast Guards na gumamit ng sandata. Sinabi niya na ang batas ay hindi dapat gamitin sa paraang lumalabag sa internattional laws.

Ang apat na ministro ay nagbahagi ng mga alalahanin patungkol sa sitwasyon sa East China at South China Sea at napagkasunduang mariin nilang tututulan ang anumang mga unilateral na attempts na baguhin ang status quo.

Ipinaliwanag ng panig ng Britania ang hangarin nitong ipadala ang carrier ng sasakyang panghimpapawid na HMS Queen Elizabeth sa Silangang Asya ngayong taon. Malugod na tinanggap ng Japan ang pagbisita, na sinabi na magko-contribute ito sa seguridad sa rehiyon ng Indo-Pacific.

Kinumpirma ng mga ministro ang pangangailangang palakasin ang bilateral cooperation security sa pamamagitan ng pag-aayos ng joint exercises sa pagitan ng LSelf-Defense Forces ng Japan at ng British Armed Forces.

Nagpahayag din ng matinding pag-aalala ang mga ministro sa paghawak ng Tsina sa sitwasyong nakapalibot sa Hong Kong, partikular ang batas ng pambansang seguridad para sa teritoryo. Ang batas ay idinisenyo upang pigilan ang mga kilusang kontra-gobyerno sa Hong Kong.

Ibinahagi din nila ang kanilang mga alalahanin tungkol sa sitwasyon ng karapatang pantao sa Xinjiang Uygur Autonomous Region.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund