YOKOHAMA- Ang isang lalaki at ang kanyang kumpanya ay na-refer sa prosekyusyon dahil sa di-umano’y pago-operate ng taxi service ng walang lisensya sa Yokohama gamit ang may tatlong gulong na motorized rickshaw, o tuk-tuk, na minamarkahan na unang iligal na kaso ng taxi sa Japan na kinasasangkutan ng naturang sasakyan, ayon sa lokal na kapulisan.
Ang 49 taong gulang na pangulo ng kumpanya sa Yokohama ay umamin sa mga kaso na paglabag sa batas ng road transport law, ayon pa sa Kanagawa Prefectural Police.
Dagdag pa ng pulis, ang may-ari mismo ang nagmamaneho ng tuk-tuk, at umaabot sa halagang ¥6,500 yen ang 30 minutong paglilibot sa mga lokal na lugar ng pamamasyal tulad ng Yokohama Red Brick Warehouse. Isang larawan ang kasama sa bayad.
Ang lalaki ay pinaghihinalaan na nagbibigay ng bayad sa serbisyo ng taxi sa siyam na grupo ng mga pasahero sa Yokohama sa pagitan ng Agosto 7 at Oktubre 14 ng nakaraang taon nang walang pahintulot mula sa mga awtoridad.
Ang sales ng kanyang kumpanya mula Setyembre 2018 hanggang katapusan ng Nobyembre ay umabot sa halos ¥4 milyong yen.
Ang alegasyon ay nalinawan noong Hulyo, ng mga awtoridd habang iniimbestigahan ang isang kahiwalay na kaso,kung saan namataan ang isang tuk-tuk na may sakay na mga pasahero.
Ang pangalang tuk-tuk ay nagmula sa tunog na ginagawa ng makina ng sasakyan habang idle. Ang mga ito ay may iba’t ibang laki at sikat sa Thailand at iba pang mga bansa sa Timog Silangang Asya.
Source: Japan Today
Join the Conversation