TOKYO
Pinaboran pa din at pinanatili ng korte sa Japan ang pagbabawal na magkaroon ng dual citizenship sa mga Japanese nationals noong Huwebes, ito ang resulta ng isang demanda ng ilang mga tao na nais panatilihin ang kanilang dual citizenship.
Ang Japan ay isa sa humigit-kumulang 50 na mga bansa sa buong mundo, kabilang ang China at South Korea, na pinapayagan lamang ang mga mamamayan nito na magkaroon ng isang nasyonalidad.
Sa ilalim ng kasalukuyang mga panuntunan, ang mga Hapon na may hawak ng isa pang nationality passport ay dapat i surrender ang isa pang nasyonalidad. Kailangang pumili kapag dumating na sa tamang edad.
May walong Japanese nationals na may dual citizenship ang naghain ng demanda noong 2018 na tanggalin ang ban dahil ito ay “unconstitutional” o di makatao.
Ang isa sa kanila, si Hitoshi Nogawa, ay nagsabi sa mga reporter na ang sapilitang isuko ang kanyang nasyonalidad ay isang “masakit na karanasan.”
“Nakuha ko ang nasyonalidad sa Switzerland dahil kinakailangan ito ng aking trabaho, ngunit pag dating sa puso at isip isa pa din akong Japanese at ito ang pundasyon ng aking pagkakakilanlan,” sabi sa kanya ng pahayagang Asahi Shimbun.
Ang mga nagsakdal ay anim na lalaki na nakakuha ng citizenship ng Switzerland o Liechtenstein.
Ngunit noong Huwebes, tinanggihan ng Hukuman ng Distrito ng Tokyo ang kanilang demanda.
© 2021 AFP
Join the Conversation