SIMULATION NG CORONAVIRUS VACCINE AY ISASAGAWA SA MIYERKULES

" Aalamin namin kung gaano katagal aabutin (upang mabakunahan) at kung gaano kalaki ang kinakailangang system. Pagkatapos ay ipapaalam namin sa mga munisipyo ang mga magiging resulta," sabi ni Kono.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspSIMULATION NG CORONAVIRUS VACCINE AY ISASAGAWA SA MIYERKULES

TOKYO (Kyodo) – Ang Japan ay magsasagawa ng simulation ng pagbabakuna para sa coronavirus sa Kawasaki malapit sa Tokyo nitong darating na Miyerkules, pahayag ng ministro na namamahala sa mga vaccination efforts.

Si Taro Kono, na nagsisilbi ring administrative reform minister, ay ang nagpahayag ng plano habang naghahanda ang Japan na simulan ang mga pagbabakuna para sa coronavirus sa huling bahagi ng Pebrero, matapos suriin ang kaligtasan at pagiging epektibo ng mga vaccines.

” Aalamin namin kung gaano katagal aabutin (upang mabakunahan) at kung gaano kalaki ang kinakailangang system. Pagkatapos ay ipapaalam namin sa mga munisipyo ang mga magiging resulta,” sabi ni Kono sa pagpupulong ng House of Representatives Budget Committee.

Ang pagbibigay bakuna ay isang pangunahing hakbang upang masolusyonan ang dumaraming kaso ng coronavirus, pahayag ni Punong Ministro Yoshihide Suga sa parehong pagpupulong at nais niyang “mabilis na magdala ng mga bakuna sa mga tao,” at nangangako na magpahayag ng accurate na impormasyon tungkol sa mga epekto.

Nakatakdang makatanggap ang Japan ng 310 milyong doses ng vaccines mula sa dalawang kumpanya ng gamot sa Estados Unidos, ang Pfizer Inc. at Moderna Inc., at ang AstraZeneca Plc ng Britain. Ang kabuuan ay magiging sapat para sa 157 milyong katao.

Inaasahan na magiging karapat-dapat na maunang mabakunahan ang mga medical workers, susundan ng mga taong may edad na 65 o mas matanda, pagkatapos ay ang mga taong may pre-existing condition at mga nagaalaga sa matatanda.

Habang ang pamahalaang sentral ay namamahala sa pag-secure ng mga vaccines, ang inokulasyon ay iiwan sa mga lokal na pamahalaan.

Ang isang kamakailang survey ng Kyodo News ay nagpakita ng 80 porsyento ng 47 prefectural capitals ng Japan na tingnan ang pag-secure ng sapat na mga medical personnel para sa pagbabakuna ay isang malaking hamon.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund