Ang ministro ng Japan na namamahala sa coronavirus response, ay nagsabi na ang pagkalat ng mga impeksyon sa Tokyo at mga nakapaligid na prepektura ay sadya ng malubha at nakakabahala para sa gobyerno na pagisipan ang pagdedeklara ng State of Emergency.
Ang Economic Revitalization Minister na si Nishimura Yasutoshi ay nakipag-usap sa mga mamahayag matapos ang pagpupulong kay Tokyo Governor Koike Yuriko at tatlo pang gobernador mula sa mga nakapaligid na prepektura noong Sabado.
Tinanong ng apat ang pamahalaang sentral na isaalang-alang ang pagdedeklara ng state of emergency sa harap ng paglaganap na impeksyon ng coronavirus.
Sinabi ni Nishimura na sumang-ayon sila sa malapit na pakikipag-ugnayan sa kahit anong development. Idinagdag pa niya na isasaalang-alang ng gobyerno kung gagawin ang deklarasyon.
Sinabi pa ng ministro na tinanong niya ang mga gobernador na humiling ng mga restawran sa kanilang mga prepektura na ihinto ang pag-serve ng alkohol bago 7:00 pm at magsara ng 8:00 pm, at upang anyayhan ang mga residente na iwasan ang mga hindi kinakailangang paglabas pagkalipas ng 8:00pm.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation