NAGPATAWAG NG BAGONG DIET SESSION ANG JAPAN

Sinabi pa ni Suga na magsusumite siya ng mga panukalang batas sa Diet upang magpatupad ng mga patakaran sa mga isyung ito.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspNAGPATAWAG NG BAGONG DIET SESSION ANG JAPAN

Ipinahayag ng Punong Ministro ng Japan na si Suga Yoshihide ang kanyang matibay na pagpapasiya na ipasa ng mga mambabatas ang mga panukalang batas ng gobyerno upang harapin ang pandemiyang dala ng coronavirus.

Nagsalita si Suga sa mga reporters bago ang ika-204 na ordinaryong sesyon ng Diet na isinagawa noong Lunes.

Sinabi niya na nagawa niya ang kanyang buong makakaya upang tugunan ang mga hamon kabilang ang coronavirus, greenhouse gas at digitalization policies sa apat na buwan mula nang mailulok siya sa posisyon.

Sinabi pa ni Suga na magsusumite siya ng mga panukalang batas sa Diet upang magpatupad ng mga patakaran sa mga isyung ito, at nilalayon niyang ipaliwanag nang mabuti ang mga ito upang makakuha ng suporta sa publiko.

Ihahayag ni Suga ang kanyang first policy speeches sa parehong sesyon ng plenaryo ng kamara sa bandang hapon.
Ang pinuno ng oposisyon na Constitutional Democratic Party, si Edano Yukio, ay nagsabi sa isang pagpupulong ng mga kasapi ng partido ng Upper House na ang coronavirus ay kumalat nang higit pa kaysa sa inaasahan sa nakaraang isa’t kalahating buwan.

Sinabi pa nito na ang gobyerno ay nababagabag at nabibigo, at walang kakayahang protektahan ang buhay at kabuhayan ng mga tao.

Plano ng partido ng oposisyon na igisa ang gobyerno sa itinuturing nilang mabagal na tugon nito sa sitwasyon ng coronavirus.

Itutuloy din nila ang hinihinalang violation of political funds ng isang kalihim sa dating Punong Ministro na si Abe Shinzo habang siya ay nasa posisyon.

Ang mga mambabatas ay sasali sa maiinit na debate sa ordinaryong sesyon ng Diet na tatagal sa loob ng 150 araw hanggang Hunyo 16. Ang isang halalan sa Mababang Kapulungan ay dapat maganap ngayong taglagas.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund