Binigyang diin ng Pangulo ng South Korea na si Moon Jae-in ang kanyang hangarin sa kanyang New Year’s Speech upang mapabuti ang ugnayan sa North Korea sa pakikipagtulungan sa Estados Unidos.
Sa televised speech noong Lunes, dumapo si Moon sa mga isyu ng patuloy na pagdaami ng mga kaso ng coronavirus outbreak, ng ekonomiya at diplomasya.
Sumangguni sa pagpapasinaya ng hinirang ng Pangulo ng Estados Unidos na si Joe Biden noong Enero 20, sinabi ni Moon na palalakasin ng kanyang gobyerno ang pakikipag-alyansa sa USA. Sinabi rin niya na magsasagawa siya ng “pangwakas na pagsisikap upang makamit ang isang pangunahing tagumpay na matuloy ang nabinbin na paguusap ng North Korea-US at inter-Korean dialogue.”
Sinabi ni Moon na ang dalawang Koreas ay maaaring magtulungan sa maraming aspeto sa mga isyu tulad ng coronavirus pandemic at mga natural na sakuna.
Idinagdag pa niya ang determinasyon ng kanyang gobyerno na makipag-ugnayan at makilala ang North Korea anumang oras, kahit saan, kahit na sa isang non-face-to-face formula ay nananatiling hindi nagbabago.
Kanya ding nabanggit ang karatig-bansa na Japan, sinasabing ang kanyang gobyerno ay “patuloy na magsisikap para sa inaabangan ang Korea-Japan relations.”
Hindi nabanggit ni Moon ang patungkol sa ruling na naganap noong nakaraang Biyernes sa isang South Korean court na kung saan ipinag-uutos ng gobyerno na magbayad ng damages sa mga wartime comfort women.
Ang Japan ay nagsampa ng isang malakas na pag-protesta laban sa panig ng South Korea sa naging desisyon ng korte noong nakaraang Biyernes, na kungsaan sinasabing labis itong nakakalungkot at mapait na pangyayari sa kasaysayan at hindi ito kayang tanggapin ng gobyerno ng Japan.
Binibigyang diin ang Japan na lahat ng mga isyu ng reparations ay naayos noong 1965 nang gawing normal ang relasyon ng dalawang bansa.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation