TOKYO – Mahigit sa 1,000 mga sasakyan ang na-stranded sa gitnang Japan noong Linggo habang nagpapatuloy ang pag-ulan ng niyebe sa malalawak na mga lugar ng bansa, pinipilit ang ilang mga prepektura na humiling ng tulong sa Ground Self-Defense Force sa mga rescue operations.
Halos 200 na mga sasakyan ang natigil malapit sa isang interchange sa Hokuriku Expressway sa Prepektura ng Fukui mula 11 ng umaga, habang ang may 830 pa ang nanatiling stranded sa ibang bahagi ng expressway simula pa noog Sabado, ayon sa pahayag ng Central Nippon Expressway Co.
Habang ang iba pang 200 ng mga sasakyan ay napadpad sa Prepektura ng Toyama, matapos mag-stall at hindi umandar ng isang malaking trak sa Tokai- Hokuriku Expressway.Humigit kumulang 50 miyembro GSDF,ang nakikipagtulungan sa mga nasabing lugar, ayon pa sa Prefectural Government.
Isang 25 taong gulang na babae at 44 taong gulang na lalaki at parehong stranded sa kanilang mga sasakyan ay parehong nagkasakit at dinala ang mga ito ospital, ayon sa mga local rescue worker.
Sinuspinde ng West Japan Railway Co ang ilang mga serbisyo sa pagitan ng Tokyo at Kanazawa sa Prepektura ng Ishikawa sa linya ng tren ng Hokuriku Shinkansen.
Nanawagan ang Japan Meteorological Agency na mag-iingat laban sa karagdagang mga pagkagambala sa trapiko dahil sa pagbagsak ng niyebe at mga nakapirming kalsada. Sinabi nito na ang matinding niyebe ay inaasahan mula hilaga hanggang kanlurang mga rehiyon sa Dagat ng Japan na bahagi ng bansa hanggang Lunes ng umaga.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation