FUKUI- Hinatulan ng Fukui District Court ang 72 taong gulang na babae ng 18 taong pagka-bilanggo sa salang pagpatay sa kanyang asawa at mga biyenan sa kanilang tirahan sa Lungsod ng Tsuruga, Prepektura ng Fukui, noong 2019.
Ang nasasakdal na si Masako Kishimoto, ay nag-iisa na tagapag-alaga ng tatlong biktima, ayon sa ulat ng Sankei Shimbun. Ang prosekyusyon ay humingi ng isang 20 taong sentensiya ng pagkakakulong para kay Kishimoto sa paglilitis ng hukom na nagtapos nitong Martes.
Sa pagbibigay ng hatol, nagpasiya si Presiding Judge Yoshinobu Kawamura na ang akusado ay
” Hinimok ng situwasyon sa mga kadahilanang lumampas sa kanyang kapasidad na kayanin ang kanyang hinaharap na pagsubok”
at na si Kishimoto ay nagdusa mula sa pagkapagod bilang tagapag-alaga.
Ayon sa desisyon, noong Nobyembre 17, 2019, unang pinatay ni Kishimoto ang kanyang asawa na si Takio, 70, sa pamamagitan ng pagsakal gamit ang isang maliit na tuwalya. Ginamit din niya ang parehong tuwalya upang sakalin ang kanyang 93 taong gulang na biyenan na si Yoshio Kishimoto, at ang 95 taong gulang na asawang nito na si Shinobu habang natutulog ang mga biktima.
Matapos maisagawa ang krimen sa kanyang tatlong kamag-anak, tinangka ni Kishimoto na kitilin ang sariling buhay sa pamamagitan ng paglunok ng maraming mga sleeping pills. Dakong 7:50 kinaumagahan, dumalaw ang anak na babae ni Kishimoto, kung saan natuklasan ang mga labi, kaya agad ito tumawag sa 110.
Si Kishimoto ay natagpuan sa pasilyo na walang malay mula sa pag-inom ng sleeping pills. Samantalang ang tatlong biktima ay nakahimlay sa kani-kanilang mga kama.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation