Lalaking pumatay sa isang pulis at security guard sa Toyama, sinimulan na ang pag-lilitis

Ayon sa abugado ni Shimazu, ito ay nagkaroon ng malaking pagkamuhi sa pulisya mula nang ang mga pulisya ay pumunta sa kanyang tahanan upang siyasatin ang mga reklamo na ang suspek ay mapang-abuso umano sa kanyang mga magulang.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaking pumatay sa isang pulis at security guard sa Toyama, sinimulan na ang pag-lilitis

 

TOYAMA- Isang 24-taong-gulang na lalaki na inakusahan ng pananaksak sa isang 46-taong-gulang na pulis sa isang koban (police box) at pag-baril hanggang mamatay ang isang 68-anyos na security guard ng paaralan habang gamit ang baril ng opisyal noong 2018, ay sinimulan na ang pag-lilitis sa Toyama City nitong Huwebes,

Sa panimulang sesyon ng kanyang pag-lilitis sa Toyama District Court, si Keita Shimazu, isang dating miyembro ng Ground Self-Defense Forces na huminto nuong 2017, ay nanatiling tahimik habang binasa ang akusasyon, mula sa ulat ng Sankei Shimbun. Ang suspek ay nasa isang wheelchair, ito ay naparalisa mula sa baywang pababa matapos barilin ng isang pulis nang ito ay nanlaban habang ina-aresto.

Ayon sa akusasyon, pinatay sa saksak ni Shimazu ang opisyal ng pulisya na si Kenichi Inaizumi noong Hunyo 26, 2018, sa Koban. Si Inaizumi ay sinaksak ng higit sa 12 beses sa tiyan at dibdib. Kinuha ni Shimazu ang handgun ni Inaizumi at lumakad sa isang kalapit na elementarya kung saan binaril at pinatay niya si Shinichi Nakamura, isang security guard. Mayroon siyang dalang tatlong kutsilyo nuong oras na iyon bukod sa ginamit niyang panaksak kay Inaizumi. Ang mga kutsilyo ay iniwan sa koban.

Ayon sa abugado ni Shimazu, ito ay nagkaroon ng malaking pagkamuhi sa pulisya mula nang ang mga pulisya ay pumunta sa kanyang tahanan upang siyasatin ang mga reklamo na ang suspek ay mapang-abuso umano sa kanyang mga magulang.

Bago mangyari ang pananaksak kay Inaizumi, nagkipag-away si Shimazu sa kanyang manager sa isang restawran kung saan siya nagtrabaho bilang part time worker. Kinontak ni Shimazu ang kanyang mga magulang sa isang online messaging app at sinabi na nasaktan niya ang kanyang boss at balak na niyang tumigil sa kanyang trabaho. Nang siyasatin ng mga awtoridad ang kanyang tahanan, na-siwalat dito ang higit sa isang dosenang mga laruang baril at libro tungkol sa kung paano pumatay.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund