LALAKI, TINAKBUHAN AT HINDI BINAYARAN ANG TAXI NA SINAKYAN

Habang nasa akto ng pagtawag ang drayber, biglang pumasok ang suspek at sumakay sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan palayo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

 

&nbspLALAKI, TINAKBUHAN AT HINDI BINAYARAN ANG TAXI NA SINAKYAN

TOKYO – Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang lalaki na tinatayang nasa edad 30, sinasabing kinarnap ng suspek ang isang taxi at inabandona ang sasakyan at sumakay ito ng isa pang taxi kung saan bigla nitong tinakasan ang drayber na hindi rin binayaran.

Ayon sa mga imbestigador, ang lalaki ay nasa isang taxi sa Aoyama, Minato Ward, dakong 5:00 ng umaga noong Lunes, nang sirain niya ang tablet computer ng taxi, ulat ng Sankei Shimbun. Sa gulat ng drayber agad itong tumigil at bumaba ng sasakyan upang tumawag sa kapulisan, at habang nasa akto na ito ng pagtawag, biglang pumasok ang suspek at sumakay sa driver’s seat at pinaandar ang sasakyan palayo.

Iniwan ng lalaki ang taxi sa Shinjuku at sumakay sa isa pang taxi sa Kabukicho Red-Light District. Inutusan nito ang drayber na itigil ang ang sasakyan at bigla itong tumalon palabas ng sasakyan ng hindi nagbabayad.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund