TOKYO (TR) – Hindi ito ang nais ng gobyerno.
Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang 52 anyos na lalaki na taga-Prepektura ng Mie dahil sa suspetsang pag-gamit ng government-supported campaign na Go to Travel at pumunta sa Kapitolyo upang mang-agaw ng bag, mula sa ulat ng NHK (ika-17 ng Enero).
Bandang alas-2:00 ng hapon nuong ika-9 ng Oktubre, si Eiji Takami ay gumamit ng isang nirentahang motorbike at nilapitan ang isang 69 anyos na ginang sa isang kalsada sa Adachi Ward at inagaw ang dala nitong bag na nag-lalaman ng salapi na nagkaka-halaga ng ¥8,000.
Ayon sa mga pulis, hindi naman ng tamo ng anumang pinsala ang ginang mula sa insidente.
Nang inaresto si Takami nuong ika-16 ng Enero, pinabulaanan nito ang mga paratang sa kanya. “Kumuha lamang ako ng mga videos para sa YouTube!” ani ng suspek sa mga pulis.
Si Takami ay naninirahan sa Lungsod ng Nabari sa Prepektura ng Mie. 3 araw bago mangyari ang insidente, ang suspek ay sumakay sa isang bus patungong kapitolyo. Siya ay nakapag-reserve ng isang motorsiklo mula sa isang shop bago pa man mag-tungo roon. Ayon sa mga pulis, siya rin ay namalagi sa isang hotel sa loob ng 3 araw.
Gumamit ng Go to Travel discount program mula sa gobyerno si Takami bilang pambayad sa hotel, na siyang inilunsad ng pamahalaan nuong nakaraang taon upang himukin ang turismo kahit sa gitna ng nararanasang pandemya.
Si Takami ay naging person of interest matapos suriin ang isang security camera footage.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation