TOKYO – Inaresto ng mga pulis sa Tokyo ang isang 47 taong gulang na lalaki dahil sa salang pananakit at pagnanakaw matapos nitong saktan at hablutin ang handbag ng isang matandang babae na tinatayanng nasa edad 90.
Ayon sa mga awtoridad, naganap ang insidente dakong 2:30 ng hapon, noong Enero 2 sa Toshima Ward, ulat ng Sankei Shimbun. Ayon pa sa mga pulis ang babae ay naglalakad pauwi nang bigla siyang nilapitan sa bandang likod ni Kazuma Kobayashi at sabay hinablot ang kanyang handbag na naglalaman ng halos ¥100,000 cash. At ng kaanyaang tangkain nitong manlaban, pinagsisipa siya ni Kobayashi, dahilan ng pagkabali nng kanyang braso.
Dagdag pa ng kapulisan si Kobayashi, ay walang maayos na hanapbuhay o permanenteng tirahan, ay nakilala sa pamamagitan ng footage na nakalap mula sa isang surveillance camera sa kalye. Naaresto anngg susspek saa isang pachinko parlor malapit sa JR Tachikawa Station noong Enero 8.
Sinabi ng pulisya na inamin ni Kobayashi ang krimen at kanya ding sinabi na kinailangan niya ng pera ngunit hindi niya malala na kanyang pinagsisipa ang matandang babae.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation