SAITAMA – Inilunsad ng Saitama Prefectural Police ang isang imbestigasyon matapos madiskubre ang mga labi ng kalansay sa isang ilog sa Lungsod ng Kawagoe noong Linggo, iniulat ng Saitama Shimbun (Enero 11).
Bandang 10:00 ng umaga, natagpuan ng isang lalaki ang mga labi sa kumpol ng puno sa pampang ng Iruma River.
Ang katawan ay hindi kinakitaan ng alinmang mga palatandaan ng panlabas na sugat. Dahil sa stage of decay, hindi mapag-alaman ang kasarian ng naasabing bangkay, ayon sa mga imbestigador ng Kawagoe Police Station.
Ang mga labi ay may suot na itim na sapatos at asul na pantalon. Ang ilang mga personal na pag-aari nito ay natagpuan din sa paligid ng pinangyarihan.
Kasalukuyang inaalam ng kapulisan ang pagkakakilanlan ng nasabing bangkay.
Source: Tokyo Reporter
Image: Gallery
Join the Conversation