Ang gobyerno ng Japan ay pinahigpit ang mga hakbang sa quarantine sa coronavirus para sa mga taong papasok sa bansa.
Simula Huwebes, ang lahat ng mga taong papasok sa Japan ay hihilingin na mag-quarantine sa loob ng 14 na araw pagkatapos ng pagdating at panatilihin ang data ng lokasyon sa kanilang mga devices sa gitna ng mabilis na pagdagsa ng mga impeksyon sa bansa.
Sinabi ng gobyerno na ang mga lumabag sa quarantine ay maaaring isapubliko ang kanilang mga pangalan at iba pang personal na impormasyon at sa mga dayuhang residente naman ay maaaring ipawalang bisa ang kanilang status of residency.
Upang higpitan ang mga kontrol sa virus, sinuspinde ng Japan ang pagpasok ng lahat ng mga dayuhan na non residents mula Huwebes.
Ang mga Japanese national at dayuhan na may resident status ay pinapayagan na pumasok sa bansa. Ngunit hihilingin sa kanila na sumang-ayon sa mga self-quarantine na hakbang.
Dapat silang mangako na hindi gagamit ng mga pampublikong sistema ng transportasyon at manatili sa bahay o sa iba pang mga pasilidad sa loob ng dalawang linggo pagkatapos ng pagdating.
Dapat din nilang mapanatili ang data ng lokasyon na nakukuha ng mga naturang devices tulad ng GPS ng smartphone, at isumite ang naturang data kung hiniling ng isang sentro ng kalusugan o iba pang awtoridad.
Ang mga hindi magsusumite sa mga kundisyon ay pagsasabihan ng mga opisya na manatili sa isang itinalagang lokasyon sa loob ng 14 na araw.
Sa mga hindi susunod o tatakas sa quarantine, ang kanilang mga pangalan at nasyonalidad ay maaaring isapubliko. Sa mga kaso ng mga dayuhan na lumabag sa mga patakaran, maaari silang mabawian mapawalang bisa ang kanilang resident status at ma deport.
Join the Conversation