Humihiling ng kooperasyon sa mamamayan ang gobernador ng prepektura ng Aichi ukol sa emergency measures nang ang nasabing prepektura ay nasakop sa state of emergency na ideklara ng sentrong pamahalaan.
Nitong Miyerkules, nag-deklara ng state of emergency si Punong Ministro Suga Yoshihide sa karagdagang pitong prepektura kabilang ang Aichi, hanggang sa ika-7 ng Pebrero.
Nagkaroon ng pagpu-pulong nitong Huwebes ng umaga ang Aichi Prefectural government kabilang ang kanilang task force upang kausapin ang mga representative ng mga Healthcare at business organizations ukol sa kanilang emergency measures.
Ang hakbang ay kinabibilangan ng pag-utos sa mga kainan o rest na mag-sara pag-sapit ng alas-8:00 ng gabi mula sa susunod na Lunes.
Inilarawan ni Governor Ohmura Hideaki ang sitwasyon bilang sobrang matindi, at nangakong sikaping ma-lipol ang pag-kalat ng impeksyon sa prepektura.
Ayon sa pinuno ng Aichi Medical Association, na si Maseki Mitsuaki, wala nang higaan na magagamit ang mga taong nais na magpa-ospital, at mayroon din mga kaso na ipina-tawag ang ambulansiya matapos maging kritikal ang kondisyon ng pasyente. Sinabi pa nito na ito ay parang pangangalagang medikal sa gitna ng delubyo.
Umapela si Uchida Yoshihiko ng Nagoya Chamber of Commerce and Industry para sa mabilis na pamamahagi ng perang suporta sa mga negosyo na na-apektuhan ng husto sanhi ng pandemiya.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation