Ang mga tao sa Kanlurang Japan ay ginunita ang ika-26 anibersaryo ng isang matinding paglindol na nag-iwan ng malawakang pagkawasak ng lugar at kamatayan ng 6,434 katao.
Ang Great Hanshin-Awaji Earthquake noong Enero 17, 1995, ay sumira ng higit sa 600,000 mga tahanan at nagdulot ng malawakang pagkasunog sa lugar.
Sa pinakamalubhang tinamaan ng sakuna ay ang Lungsod ng Kobe, ang mga tao ay nagtipon sa isang parke upang gunitain ang alaala ng mga biktima, 5:46 a.m .— Ang eksaktong sandali na tumama ang 7.3 magnitude na lindol.
Naghanda ng mga parol sa parke kung saan mababasa ang mga katagang “1.17” at ang salitang Hapon na “Ganbarou,” nangangahulugang “Huwag kang susuko.”
Ang salita ay napili upang hikayatin ang mga tao na pagtagumpayan ang mga paghihirap na magkasama habang ang pagkabalisa at pagaalala ay nararanasan ng karamihan sa populasyon sa gitna ng pandemyang dala ng coronavirus.
Ngayong taon, ang mga parol ay iilawan ng kalahating araw ,mas maaga upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao, bilang bahagi ng mga hakbang sa pag-iwas sa impeksyon.
Ang mga memorial events para sa sakuna ay nakatakdang gaganapin sa maraming lugar sa Linggo. Ngunit ayon sa resulta ng isang survey ng isang lokal na civic group ay nagpapakita na ang bilang ng mga nakaplano ng event ay nassa 42 – 30% porsyento na mas mababa kaysa sa nakaraang taon dahil sa pandemya.
Ang pagbabahagi ng mga alaala at aral mula sa lindol hanggang sa hinaharap na mga henerasyon ay nagiging isang pangunahing isyu dahil ang pagtaas ng bilang ng mga tao ay first hand knowledge patungkol sa kalamidad.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation