Share
SAN FRANCISCO
Ang Facebook Inc ay tatanggalin ang “likes” button mula sa bagong dinisenyong public page na ginamit ng mga artista, mga public figure at brands, sinabi ng kumpanya ng social media noong Miyerkules.
Ipapakita lamang sa mga pages sa Facebook ang mga followers at magkakaroon ng isang nakalaang News Feed kung saan ang mga users ay maaaring sumali sa mga pag-uusap, makipag-ugnay sa mga kapwa users at maka interact sa mga fans , sinabi ng kumpanya sa isang post sa blog.
“Aalisin namin ang mga likes at mag concentrate sa mga followrs upang gawing simple ang paraan ng pagkonekta ng mga tao sa kanilang mga paboritong pages,” sinabi ng Facebook tungkol sa bagong disenyo.
© Thomson Reuters 2021.
Join the Conversation