TOKYO- Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang 45 taong gulang na lalaking driver dahil sa pagsagasa at pagpatay sa isang 2 taong gulang na lalaki sa isang interseksyon sa Setagaya Ward, ulat ng Jiji Press (Enero 5).
Bandang 10:00 ng gabi noong Lunes, ang sasakyang minamaneho ni Keita Wasan ay tumama sa stroller na kinaroroonan ng batang lalaki, habang tulak-tulak ito ng kanyang 9 taong gulang na kuya, sa crosswalk sa lugar ng Kamiyoga.
Ang batang lalaki, na nagtamo ng matinding pinsala sa ulo, at kinumpirmang namatay sa isang ospital kinabukasan. Samantalang, ang kanyang kapatid ay hindi nasaktan, ayon sa mga imbestigador ng Seijo Police Station.
Ang aksidente ay naganap habang ang 9 taong gulang na batang lalaki ay tinutulak ang stroller sa crosswalk matapos na ang signal ay naging berde. Pumaling pa-kaliwa si Wasan, kungsaan tumama ang minamanehong sasakyan nito sa stroller ng bata.
Si Wasan ay naninirahan sa Lungsod ng Fujisawa, Prepektura ng Kanagawa.Sa kanyang pagka-aresto sa salang Dangerous Driving Resulting to Death/Injury, sinasabing umamin ang suspek sa mga paratang na inihain laban sa kanya, ” Akala ko walang naglalakad”, sabi ng suspek sa mga pulis.
Bilang karagdagan maliban sa nakakatandang kapatid na lalaki, kasama din sa insidente ang isa pang kapatid nito, edad 8, at ang kanilang ina,38. Na pawang ligtas at hindi nasaktan sa aksidente.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation