Isang babae sa Tokyo na nagpositibo sa covid ang nagpakamatay habang siya ay nasa self-isolation dahil sinisisi niya ang sarili na nagdulot siya ng panic sa mga taong nakapalibot sakanya at paga-alala na baka may nahawaan pa siya.
Ang babae na nasa 30’s ay natagpuang patay noong first week ng buwang ito sa kanyang apartment, kung saan siya ay nag-self isolate pagkatapos mag positibo sa virus.
Nag-iwan siya ng isang suicide note na nagsasabing sinisisi niya ang kanyang sarili na nagdulot ng panic at baka may nahawaan pa siya sa mga tao sa paligid niya.
Halos walang sintomas ang babae, ngunit nag-alala raw siya na baka naipasa niya ang impeksyon sa mga taong kakilala niya.
Sinabi ng propesor ng Waseda University na si Ueda Michiko na maraming tao ang nakadarama ng pressure kapag nahawahan sila, na iniisip na maaari nilang ikalat ang virus o kung hindi man ay magdulot ng kaguluhan sa mga tao sa kanilang paligid.
Sinabi niya na ang mga taong nag-iisa sa bahay ay maaaring makaramdam ng mental pressure at breakdown. Kinakailangan ng isang sistema upang maingat na suriin din ang mental na kalagayan ng naturang mga tao at magbigay ng pangangalaga sa kanila, bukod sa simpleng pagsusuri sa kanilang pisikal na kalagayan.
Join the Conversation