TOTTORI- Inaresto ng mga awtoridad ng Lungsod ng Tottori ang isang babae na tinayang nasa edad 40 dahil sa salang fraud matapos itong sumakay ng taxi mula Yokohama patungong Tottori at hindi makabayad ng pamasahe.
Ayon sa mga awtoridad,sumakay ang babae ng taxi sa JR Totsuka Station sa Yokohama dakong 2:30 ng Linggo, iniulat ng Sankei Shimbun. Sinabi nito sa drayber na dalhin siya sa Tottori dahil nais nitong makita ang pamosong Sand Dunes.
Pagdating nila sa Lungsod ng Tottori dakong 11:40 ng umaga, siningil ng ang drayber ng pamasahe ang pasahero na umabot sa ¥236,690 yen, sinabi ng babae na hindi siya makabayad dahil wala siyang pera.
Dinala ng drayber sa pinakamalapit na istasyon ng pulis ang sakay na pasahero, kung saan ang babae ay inaresto. Sinabi ng mga pulis na wala itong mga personal na gamit na dala at mayroon lamang ilang daang yen. Nang tanungin kung ano ang kanyang buong pangalan, tumugon ito at sinabing hindi niya alam, dagdag pa ng mga pulis.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation