BABAE NA MANLOLOKO,72, NAGPANGGAP NA KAPATID NG SIKAT NA SINGER NA SI MIYAKO OTSUKI

Ang istilo ng suspek sa panloloko ay sa pagsasabi nito na ang pera ay idiniposito sa isang association para sa mga mang-aawit at kikita ito ng 10%.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO – Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang 72 taong gulang na babae na nagpanggap na kapatid ng enka singer na si Miyako Otsuki sa panloloko sa isang babaeng kakilala, ulat ng Yomiuri Shimbun (Enero 15).

Sa pagitan ng Pebrero 2017 at Marso ng sumunod na taon, si Sachiko Umehara ay diumano’y niloko ang biktima,na isang residente ng Setagaya Ward, sa halagang ¥6.5 milyong yen.

Ang istilo ng suspek sa panloloko ay sa pagsasabi nito na ang pera ay idiniposito sa isang association para sa mga mang-aawit at kikita ito ng 10%.
Sa kanyng pagka-aresto,sa salang Fraud noong Martes, inamin ni Umehara ang mga paratang, sa Seijo Police Station.

Sachiko Umehara, Twitter

“MAAYOS ANG KANYANG PANANAMIT”

Si Umehara ay nakatira rin sa Setagaya. Regular niyang sinabi sa mga tao na siya ay kapatid ni Otsuki. “Naniniwala ako dahil maayos ang pananamit niya,” sinabi ng biktima sa kapulisan.

Nakilala ng biktima si Umehara sa isang coffee shop tatlong taon na ang nakalilipas. Sa maraming okasyon pagkatapos nito, binayaran ng suspek ang mga bills ng biktima.

Noong Disyembre 2019, dumulog ang biktima sa istasyon ng kapulisan matapos mabigo si Nakamura na magbigay nang paunang ipinangakong pagbabayad.

Kasalukuyang inaalam ng mga awtoridad kung may iba pang nabiktima ang suspek.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund