Amerikana, inakusahan ng pag-patay sa isang matandang lalaki sa Nikko

Nuong simula, sinabi ng suspek sa mga pulis na natagpuan niyang naka-handusay si Marumoto sa ibaba ng hagdan. Ngunit kalaunan, inamin nito na pinalo niya ang biktima.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOCHIGI (TR) – inaresto ng mga Tochigi Prefectural Police ang isang Amerikana dahil sa di umano’y pag-paslang sa isang lalaki sa kanilang tirahan sa Nikko City, mula sa ulat ng NHK (Jan.9)

Bandang alas-4:00 ng umaga nuong Biyernes, itinulak o sinugod umano ni Masako Joyce, 61 taong gulang, si Takeshi Marumoto, 77 taong gulang na nag-sanhi upang tumama sa isang glass door ang ulo ng lalaki.

Tumawag si Joyce ng emergency services pagka-lipas ng 8 oras. Nang dumating ang mga emergency personnel sa nasabing tirahan, kinumpirma nila na wala ng buhay si Marumoto.

Ayon sa mga pulis, base sa resulta ng pag-susuring isina-gawa sa katawan ng biktima, ito ay nag-tamo ng pananakit.

&nbspAmerikana, inakusahan ng pag-patay sa isang matandang lalaki sa Nikko

Kasamang naninirahan ni Joyce ang kanyang ina, na siyang kakilala ni Marumoto. Nitong Sabado, sinampahan ng kapulisan ng kasong Manslaughter si Joyce.

Nuong simula, sinabi ng suspek sa mga pulis na natagpuan niyang naka-handusay si Marumoto sa ibaba ng hagdan. Ngunit kalaunan, inamin nito na pinalo niya ang biktima.

Bilang karagdagan, inaalam ngayon ng mga pulis ang sanhi ng pagka-matay ng biktima at iniimbestigahan din nila ang mga pangyayari kung saan ito ay humantong sa insidente.

Source: Tokyo Reporter

Image: NHK

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund