970 NA MGA BAGONG KASO NG IMPEKSYON NG CORONAVIRUS ANG NAITALA SA TOKYO

Ang kabisera ng Japan ay nakikipaglaban sa pangatlong wave ng mga impeksyon ng coronavirus kasunod ng una at pangalawang wave noong Abril at Agosto ng nakaraang taon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp970 NA MGA BAGONG KASO NG IMPEKSYON NG CORONAVIRUS ANG NAITALA SA TOKYO

TOKYO – Nagtala ang kabisera ng Japan ng 970 bagong mga kaso ng coronavirus noong Enero 12, pahayag ng Pamahalaang Metropolitan ng Tokyo.

Ang mga bagong kaso ng impeksyon ay naitala matapos mag-ulat ang Tokyo ng 1,219 kaso noong Disyembre 11. Ang pinakamataas sa isang araw ay nasa 2,447 kaso, na naitala noong Enero 7.

Ang kabisera ng Japan ay nakikipaglaban sa pangatlong wave ng mga impeksyon ng coronavirus kasunod ng una at pangalawang wave noong Abril at Agosto ng nakaraang taon. Ang Tokyo ay nag-tala ng halos 16,000 bagong kaso mula Enero 1 hanggang 11, average ng halos 1,453 kaso bawat araw. Nakita dito ang halos 20,000 mga impeksyon para sa buong buwan ng Disyembre, ang pinakamataas na bilang ng monthly count mula nang magsimula ang pandemya noong tagsibol 2020. Sa buwan na iyon, ang mga impeksyon ay nag-average ng halos 621 na mga bagong kaso bawat araw.

Ang Tokyo ay nag-ulat ng higit sa 77,000 impeksyon kabuuan, ang pinaka maraming kaso ay nag-mula sa 47 prepektura ng Japan, na ang kabuuang bilang ng mga namatay sa kabisera ay umabot sa 689 hanggang Enero 11. At sa parehong araw, mayroong 3,355 mga pasyente na na-ospital sa Tokyo na may COVID-19, kasama ang 131 na may severe symptoms.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund