78-year-old na lalaki, nag drive sa wrong way ng expressway, nakabangga ng kasalubong na sasakyan na ikinamatay ng driver

Isang 78-taong-gulang na lalaki, na nagmaneho ng kanyang sasakyan sa wrong way ng lane sa expressway ay nabangga sa kanyang nakasalubong na sasakyan na pumatay sa 35-taong-gulang na driver nito sa Nara Prefecture noong Miyerkules ng umaga. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

NARA

Isang 78-taong-gulang na lalaki, na nagmaneho ng kanyang sasakyan sa wrong way ng lane sa expressway ay nabangga sa kanyang nakasalubong na sasakyan na pumatay sa 35-taong-gulang na driver nito sa Nara Prefecture noong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa pulisya, nangyari ang aksidente dakong 12:40 ng umaga sa Nishi-Meihan Expressway sa Yamatokoriyama, iniulat ng Fuji TV.

Sinabi ng pulisya na ang driver ng kei  car na si Kazunari Okita, isang empleyado ng kumpanya mula sa Yao sa Osaka Prefecture, ay dinala sa ospital kung saan siya ay binawian ng buhay. Ang 78-taong-gulang na lalaki, na mula sa Ikaruga sa Nara Prefecture, ay nagtamo ng mga pinsala sa ulo at dinala sa ospital kung saan sinabi ng mga doktor na wala sa panganib ang kanyang buhay.

Sinabi ng pulisya na maghihintay sila hanggang sa siya ay gumaling bago siya tanungin tungkol sa kung bakit siya nagmamaneho sa maling direksyon.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund