YOKOHAMA – Isang grupo ng mga kalalakihan na nagbihis at nagpanggap na mga opisyal ng kapulisan ang naiulat na pumasok sa isang bahay sa Hodogaya Ward ng lungsod dakong 6:00 ng gabi, noong Disyembre 27, at natangay ang humigit-kumulang na ¥12 milyong yen o halos $ 116,000 na cash.
Ang tatlong katao na nakatira sa bahay ay tinali, walang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente. Ang Kanagawa Prefectural Police’s Hodogaya Police Station ay iniimbestigahan ang insidente bilang isang kaso sa pagnanakaw at kasalukuyang pinaghahanap ang kinaroroonan ng mga salarin.
Ayon sa Hodogaya Police Station, ang mga salarin ay nag-damit na mga opisyal mula sa istasyon at dumating sa bahay ng isang lalaki na nasa edad 70 at pagkatapos ay nagpilit ang mga ito na makapasok nang buksan niya ang pinto. Pagdating sa loob, tinali nila ang matandang lalaki, ang kanyang may-bahay, 70, at ang kanilang anak na nasa edad 40. Ang mga salarin ay nakatakas dala ang cash pati na rin ang isang ATM card at iba pang mga kagamitan. Pilit din diumano kinuha ang PIN ng ATM card bago tuluyang umalis.
Tumawag ang lalaki sa kapulisan pagkalipas ng dalawang oras, bandang 8:00 ng gabi.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation