TOKYO
Ang Japan ay bumubuo ng isang tracking system na naglalayong subaybayan ang mga travelers mula sa ibang bansa bilang bahagi ng pagsisikap na maiwasan ang karagdagang pagkalat ng coronavirus, sinabi ng isang matataas na opisyal ng gobyerno noong Linggo.
“Walang point kung hindi natin ipapatupad ito, kaya hindi papayagan na makapasok sa bansa maliban kung gagamitin ito,” sinabi ni Takuya Hirai, digital transformation minister, sa telebisyon.
Sinabi ni Hirai na nais ng gobyerno na kumpletuhin ang pagpapaunlad ng monitoring system ng itinakdang iskedyul na Tokyo Olympics at Paralympics, na gaganapin sa susunod na tag-init.
Nang hindi nagbibigay ng malalim na detalye, sinabi niya na gagana ito sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya ng global positioning system o GPS.
Ang kanyang mga komento sa programang “The Prime” ng Fuji TV ay dumating isang araw matapos sabihin ng Japan na ipagbabawal ang mga non resident na dayuhang mamamayan mula sa pagpasok sa bansa, na nakakakita ng record araw-araw na mga kaso ng coronavirus nitong mga nakaraang linggo.
Ang panukala, na magkakabisa mula Lunes hanggang Enero, ay inihayag kasunod ng pagtuklas ng Japan ng bago at tila mas nakakahawang variant ng virus.
Kabilang sa iba pang mga hakbang, hihilingin ng Japan sa mga mamamayan at mga dayuhang residente na mag quarantine sa loob ng dalawang linggo, magpakita ng patunay ng isang negatibong resulta ng pagsusuri sa coronavirus sa loob ng 72 hours bago umalis sa bansa at sumailalim sa isa pang testing sa pagdating sa bansa.
© KYODO
Join the Conversation