Nagpasya ang gobyerno ng Japan na suspindihin ang mga bagong entry ng lahat ng non-resident foreign nationals kasunod ng pagtuklas ng mga variands ng coronavirus sa labas ng bansa.
Ipapatupad ng gobyerno ang panukala sa pagitan ng Disyembre 28 hanggang Enero 31.
Pinapayagan nito ang mga bagong pagpasok ng mga dayuhan mula sa lahat ng mga bansa at teritoryo mula Oktubre kung mayroon silang medium to long term resident status sa Japan ngunit ipinagbabawal na din ang kanilang entry simula Lunes.
Sinasabi nitong magpapatuloy itong pahintulutan ang mga tao para sa Business Travel patungo at mula sa mga itinalagang bansa at teritoryo.
Suspindihin din nito ang conditional exemption ng isang 14 na araw na quarantine para sa mga Japanese at Foreigners with Residence Status sa Japan upang bumalik sa o muling pumasok sa Japan pagkatapos ng isang panandaliang overseas business trip.
Sa ilalim ng bagong panukala, ang lahat ng mga taong bumabalik sa o pumapasok sa Japan mula sa mga bansa at teritoryo kung saan naiulat ang mga bagong variants ng kaso ay dapat magsumite ng isang dokumento na nagpapatunay na sila ay negatibo sa COVID19 . Ang mga nasabing manlalakbay ay dapat na kumuha ng test sa loob ng 72 oras bago ang pag-alis at pagdating sa Japan.
Ang mga katulad na hakbang, na inilaan upang makatulong na harangan ang pag-kalat ng mga bagong variant, na kasalukuyang pumipinsala sa Britania at South Africa.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation